الفلبينية | Tagalog

وَإِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ءَأَنتَ قُلۡتَ لِلنَّاسِ ٱتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيۡنِ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالَ سُبۡحَٰنَكَ مَا يَكُونُ لِيٓ أَنۡ أَقُولَ مَا لَيۡسَ لِي بِحَقٍّۚ إِن كُنتُ قُلۡتُهُۥ فَقَدۡ عَلِمۡتَهُۥۚ تَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِي وَلَآ أَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِكَۚ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّـٰمُ ٱلۡغُيُوبِ (116)

Tagalog Mokhtasar

Alalahanin mo kapag magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon habang nakikipag-usap kay Jesus na anak ni Maria – sumakanya nawa ang kapayapaan: “O Jesus na anak ni Maria, nagsabi ka ba sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang sinasamba bukod pa kay Allāh?” Kaya sasagot si Jesus habang nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon niya: “Hindi nararapat para sa akin na magsabi ako sa kanila maliban ng katotohanan. Kung itinakda na ako ay nagsabi niyon, nakaalam Ka nga niyon dahil walang nakakukubli sa Iyo na anuman. Nakaaalam Ka ng inililingid ko sa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw – tanging Ikaw – ay ang nakaaalam sa bawat nakaliban, bawat nakakubli, at bawat nakalitaw.